Sunday, June 29, 2008

regrets

"NO REGRETS" i always hear this from people, or even read it from blog entries [usually sad ones]. Bakit nga ba nasasabe yan.. feeling ko minsan kasi, when people say "NO REGRETS" they are just making themselves feel better. dahil ang totoo pinag sisisihan nila ang mga nagawa nila.

Sinabe ko din yan eh.. may friend ako mega convince na mapapa-sama ako sa ginagawa ko, tigilan ko na daw kasi ako lang masasaktan, ako lang mahihirapan.. sabe ko sakanya "Di yan, masaya ako, masaktan man ako.. NO REGRETS" nung nasaktan ako at napatunayan nyang tama sha, dun ko narealize.. di pala pde yun kasi kahit anong sabihin mo, may pagsisisihan ka din..

so na isip ko ilista ang mga regrets ko sa buhay.. yung mga natatandaan ko pa.. na aminado akong pinagsisisihan ko.. ala lang gusto lang mai-share.. nakakatawa kasi tignan yung mga katangahan ko.. hehe

* Sana nung 2nd year highschool ako sa UST eh d ko sinuot ung orange na skirt na gustong gusto ko kasi d ko naman alam na may pakabaliw pala mga tao dun sa payhigh nung mga panahon na yun at mainit sa mata ng mga higher batch sakin yung kulay na yun. (aba inaway ba naman ako dahil sa suot ko kahit d naman kame close.. hmf)

* Sana tinitignan ko yung nilalakaran ko para hindi ko natapakan yung macaroni na nahulog galing sa plate ni paolo cantor nung 4th year highschool ako para hindi nya sana ako pinagtawanan nung nadulas ako dahil don

* Sana mas maaga ako pumapasok nung highschool ako para mas madami akong chismis na nakukuha galing k marijo. hahahaha..

* Sana nung college ako naging mas masama ugali ko (haha kulang pa pala ang kasamaan na ginawa ko eh noh?). Di ko kasi gusto mga kaklase ko hahaha.

* Sana nalaman ko kaagad na ang mga kumukuha pala ng course na psychology eh kadalasan may topak para d ko na ito tnake up. mashado tuloy ako nac-conscious sa kabaliwan ko sa buhay.

* Sana hindi ako nainlab dun sa pinsan ng vet ng mga aso ko at sana naisip ko na hindi porket kamuka nya si andy lau eh kelangan ko shang sagutin. hindi sana naging kame.. (erase, erase, erase ok lang na naging kame pala haha kamuka nya parin si andy lau eh).

* Sana hindi ako nag panggap sa daddy ko na na-snatch yung cellphone ko para bilihan nya ako ng bagong cellphone.. wala lang nakokonsensha kasi ako.. lols..

* Sana hindi ako na-addict sa mga computer games. siguro mas matino buhay ko nuon pa kung ang inatupag ko eh magpayaman nalang sa totoong buhay kesa sa mga nilalaro ko online..

* Sana hindi ako mashadong naniniwala sa mga bullshet ang crap lies ng mga tao tao, hidi sana ako nag mukang mashadong tanga.

* Sana hindi ako nagmahal mashado at sana kahit papaano nagtira ako para sa sarili ko ng ibang bagay maliban sa "pride"

* Sana matagal na akong nadepress ng sobra siguro ang payat payat ko na ngayon kung nagkataon.

* Sana hindi ko hinayaan na mas mahal ko yung isang tao kesa sa mas mahal nya ako.. siguro kahit papaano, maiisip nya ang halaga ko.

* Sana matagal na kami naging friends ni phentermine. hahahaha..

* Sana tinabe ko na si kai sa pagtulog dati pa, siguro mababawasan ang pagiging adhd nya.

* Sana hindi na ako umasa na kahit papaano magiging mahalaga ako sakanya para naman mabilis ko sana matanggap na kahit na mamatay ako sa harap nitong tao na ito.. wala pala shang pake.. ahaha

* Sana hindi ko nilaitlait yung gf ng ex ko, kasi mahal nya yun eh kahit anong gawin ko kahit gaano sha ka panget walang magbabago at higit sa lahat mababasa nya pala hahahahaha...  wala na talang magbabago.. mas mamahalin nya pa tlaga yun

* Sana hindi ko ginupit gupit yung mga damit nung ex ko nung naghiwalay kame.. wala lang naawa ako sa gunting eh.. hahaha nahirapan kasi... medyo shredded ang kinalabasan eh haha

* Sana hindi ko na sinulat ang entry na ito kasi mabubuset lang pala ako at hindi ako matatawa pa naalala ko yung mga katangahan ko sa buhay..

ayun.. so nakakainis pala..d pala nakakatawa.. kaya pala pag sinabeng "NO REGRETS" ang totoo eh nag sisisi ka.. wat da.. gulo dba..


oh wells, NO REGRETS..   

7 comments: