Thursday, April 03, 2008

misery loves company?

depression

anong masaya sa pagiging depressed?
wala diba?
MALI.. masaya pag may kadamay ka

nakakahawa daw.. palagay ko di naman. nagkataon lang na pareho kaming depressed kaya ganon parehong situation. ok lang naman, saya ng feeling na may nakakausap kang naiintindihan yung  nararamdaman mo. na di sasabihing ang drama drama mo. minsan ganon eh ung feeling mo gusto mong may makausap kasi wala lang, gusto mo lang sabihin lahat ng  hinaing mo pero di ka seseryosohin.

so yun nga, itong girl na ito, tagal ko na nakilala, mga 2 years ago. di naman kame gaano naging close nung time na yun. ewan ko, busy siguro, tas d naman kame nagpapangabot pag may chance .. basta yun, tas all of a sudden kasi may nangyari na di maganda (not between us though) kaya wala, di na kame talaga nag kausap..

tapos ayun.. isang napakainit na araw.. nagkausap uli kami, kamustahan, etc etc.. hanggang
sa napagusapang magkita. nung nagkita, kwentuhan tas update update, kamusta na si ganito, si ganyan.. unintentionally, nabanggit nya na may problema sha, nakarelate ako pero parang wala lang, di namin napagusapan.

eh kinabukasan, yun na.. nagparamdam si depression sakin.. nako, di maganda ito. naisip ko
text ko sha at kamustahin.. katawa lang, kung anu ung nireply nya, yun din ang rereply ko
nung tinanong nya ako kung kamusta ako.

ako: musta kaw?
sha: ito baliw. kaw?
ako: mas baliw. bakit ka baliw?

sinagot nya.
tas tinaong nya, ako naman daw bakit baliw? hehe, yung sagot nya, yun din ang sinagot ko sakanya. astig diba.. ano ito? misery loves company ba ang drama? hinde.. i dont think so.

so yun na text text.. nagkaalaman na, katawa, d ko inexpect.. pareho kame ng problema! walang kamatayang advisan... nakarelate pala pareho.. naisip ko tuloy.. di kaya yung kwento namin sa iba, maka-relate din sila? haha

ang sakin lang, sa buhay ng tao, dumarating yung point na sobrang down ka na at di mo maisip kung makakayanan mo pa.. at sa mga ganitong oras, kahit na pakiramdam mo mamamatay ka na at gusto mo nang mamatay kapag may nakakausap ka na naiintindihan ka, kahit papaano nabubuhayan ka ng loob eh.

at malamang, d ko naman pinapangarap na habang depressed ako eh depressed din sana sha para lang may makausap ako dba.. ano un?? walang ganon. at di dapat ganon. kung dumating man yung time na kunwari depressed parin ako at sha eh masaya na, empre magiging masaya na rin ako kasi naishare na sayo kung ganon sha nasaktan eh at pagnawala na yung sakit na naramdaman nya, parang nawala din ung sakit na naramdaman mo nung naikwento nya sayo yun.. ganon

alam ko naman makakayanan nya yun.. kaya ako naman advice lang din ng advice. sabe ko nga sakanya eh nakakatawa, kala mo sino akong magaling mag advice eh ni di ko nga magawan din ng paraan yung mga problema ko. mag a-advice ako, tas mag t-thank you sha pero di niya alam eh napakalaki din ng naitulong niya sakin.. yung pakiramdam lang na alam mong may nakikinig sayo eh malaking tulong na.. kaya thanks din ng sobra!

(mabuhay ang mga tanga? hahahaha)

apir*

No comments:

Post a Comment